Pinatunayan ng mga magsasaka sa Negros Occidental na posibleng maibenta ng 25 pesos per kilo ang local rice. Aligned ito sa hangarin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na gawing mas affordable ang bigas para sa mga Pilipino.
Inilunsad ang Bigas ng Bayan program noong October 12, 2023 kung saan ibinenta ang bigas na nagkakahalaga ng 25 pesos per kilo sa Food Terminal Market sa Bacolod City.
Ang programang ito ay kolaborasyon ng Provincial Government of Negros Occidental at Federation of Irrigators’ Association of Central Negros-Bago River Irrigation System na naglalayong matulungan ang mga nangangailangang pamilya na makabili ng abot-kayang bigas. Tinitiyak din nitong magkakaroon ng sapat na kita ang mga magsasaka.
Iginiit ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose “Bong” Lacson na magiging sustainable ang Bigas ng Bayan program dahil 44 irrigators’ associations ang nakilahok dito. Maaaring makabili ng hanggang limang kilo ang bawat mamimili.
Ayon kay Federation President Pedro Limpangog, naglaan sila ng 10% sa kanilang total production para sa mga residenteng nasa vulnerable sectors kabilang na ang senior citizens, indigents at persons with disabilities (PWDs).
Maaalala natin noong 2022 elections, sinabi ng noong presidential candidate na si BBM na hangad niyang pabababain ang presyo ng bigas mula 20 to 30 pesos per kilogram. Ngayong nakaupo na siya sa pwesto, sinabi niya noong September 19, 2023 na laging may chance ang pagkakaroon ng bente pesos per kilong bigas. Ito ay sa oras na maging stable na ang agriculture sector at production sa bansa.
Kung mapaayos ang produksyon, hindi na masyadong bagyuhin ang bansa, at gamitin ng mga magsasaka ang mga tulong na ibinigay sa kanila, malaki ang posibilidad na bumaba ang presyo ng bigas hanggang sa bente pesos.
Maraming factors sa loob at labas ng bansa na direktang nakakaapekto sa presyo ng mga bilihin, partikular na ng bigas. Dahil dito, kailangan munang mag-adjust ng gobyerno at merkado sa ngayon. Pero kapag maging normal na ang lahat, siniguro naman ni Pangulong Marcos Jr. na madali na lang para sa gobyerno na gumawa ng aksyon para mapababa lalo ang presyo ng mga bilihin.
Makikita naman sa mga aksyon ng Pangulo na ginagawa nila ang lahat para mapababa ang presyo ng mga bilihin, gaya ng pagpapatigil sa pangongolekta ng pass-through fees na naging usap-usapan sa social media. Nariyan din ang patuloy na rice distribution galing sa nakumpiskang smuggled rice at ang pamimigay ng iba’t ibang tulong sa mga magsasaka gaya ng Rice Farmers Financial Assistance Program. Sa pagpapalago ng sektor ng agrikultura gaya ng sinisikap gawin ni Pangulong Marcos Jr., papunta tayo sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin.