Pina-ngangambahang lalong malubog sa utang ang maraming magsasaka na naapektuhan ng bagyong Lando sa northern at Central Luzon.
Ito’y bunsod ng inaasahang “pagkapit sa patalim” ng mga magsasaka dahil sa kadalasang pag-utang sa mga loan shark gaya ng mga bumbay o nagpa-“Five Six.”
Gayunman, mas malaki ang interes sa ganitong uri ng loan system na kadalasang inaabot ng 25 percent kada buwan.
Aminado naman ang ilang magsasaka sa Nueva Ecija na mas madali para sa kanila ang sistema ng mga loan shark dahil mabilis nilang nakukuha ang kailangang pera hindi tulad sa mga bangko na maraming proseso ang pinagdaraanan bago maka-utang.
Sa pagtaya ng NDRRMC umabot sa P8.6 Billion ang pinsalang dulot ng bagyo sa agrikultura sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5 at CAR.
By: Drew Nacino