Makatatanggap ng tig-P5,000 ayuda mula sa Department of Agriculture (DA) ang nasa isang milyong magsasaka.
Partikular ayon sa kagawaran ang mga apektado ng sunod-sunod na bagyong dumaan sa bansa tulad ng mga bagyong Pepito, Quinta, Rolly, Tonyo at Ulysses.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, magmumula ang nasabing ayuda sa sobrang buwis na nakolekta ng Bureau of Customs (BuCor) mula sa mga inangkat na bigas.
Layon nito ani Dar na tulungang makabangong muli ang mga magsasaka dahil maliban sa mga kalamidad, pinadapa rin sila ng umiiral na COVID-19 pandemic at Rice Tarrification Law.
Una nang inaprubahan ng senate committee on agriculture and food reform ang resolusyong magbibigay ng ayudang pinansyal para sa mga lokal na magsasaka.