Pinag-aaralan na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagbibigay ng lupang pansakahan sa mahigit 2,000 magsasaka na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Ayon sa DAR CALABARZON bumubuo na ng master plan ng rehabilitasyon para sa mga magsasaka na hindi na makakabalik sa permanent danger zone ng bulkan.
Tiniyak pa ng DAR CALABARZON na magiging mabilis ang proseso para kaagad maibalik sa normal ang buhay ng mga apektadong magsasaka.