Hinarang sa isang checkpoint ng mga pulis ang isang van sakay ang labing isang magsasakang patungo sana sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City para dumalo sa isang dayalogo.
Kabilang sa mga sakay ng van ang mga miyembro ng katipunan ng mga samahang magbubukid sa Timog katagalugan, pinagkaisang lakas ng mga magbubukid o Piglas-Quezon, at Coco Levy Fund: ibalik sa amin o claim na makikipagdayalogo para ipanawagan ang nararanasang kahirapan dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng kanilang produkto sa merkado.
Base sa nakuhang impormasyon, hinanapan umano ng mga pulis ng vaccination card ang mga magsasaka pero hindi umano huminto ang driver ng van dahilan para sila ay habulin at muling harangin.
Tumagal ng apat na oras ang nasabing insidente kung saan, dumating pa ang ilang mga sundalo sakay ng military truck.
Ayon sa mga magsasaka, tila nais silang ipahamak ng driver ng naturang van pero kanila ding iginiit na matagal ng nakakatanggap ng pangha-harass, pagbabanta, at red-tagging mula sa mga otoridad ang ilan sakanila at malaki ang posibilidad na sangkot ang mga opisyal ng gobyerno.