Nakatanggap ng mga binhi ng palay ang nasa mahigit 100,000 magsasaka sa Region 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) sa ilalim ng rice competitiveness enhancement fund seed program.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 120 bags ng high quality inbred seeds ang kanilang naipamahagi sa RCEF areas sa dalawang rehiyon.
Partikular na binigyang prayoridad ang mga magsasakang sinalanta ng malawakang pagbaha sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan.
Kasunod nito, tinututukan din ng Philippine Rice Research Institute ang pamamahagi ng mga binhi ng palay ang anim na bayan sa Cagayan, 21 sa Isabela at pito sa Ifugao.
Batay sa datos, papalo na sa P4.18-B ang kabuuang pinsalang tinamo ng Cagayan at Cordillera Region dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyong Ulysses.