Umapela sa gobyerno ang obispo ng Cabanatuan, Nueva Ecija para tulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng ilang polisiyang ipinatutupad sa bansa.
Sinabi ni Bishop Sofronio Bancud na dapat suriin ng gobyerno ang kalagayan ng mga magsasakang nananawagang palakasin ang kanilang sektor na nahaharap sa tulkuyang pagbagsak.
Una nang iginiit ng alyansa ng magbubukid sa gitnang luzon na ang Rice Tariffication law o malayang pag aangkat ng bigas ang dahilan nang paghina ng sektor ng pagsasaka sa bansa.
Ayon kay Bancud, talo ang mga magsasaka sa nasabing batas dahil hindi na bumibili sa mga lokal na magsasaka ang rice retailers dahil sa tambak na supply ng imported na bigas sa mga pamilihan.
Una na ring umalma ang mga magsasaka sa mababang farmgate price ng palay na nasa P7/kilo subalit mahigit apat napung piso naman ang kada kilo ng bigas sa pamilihan.