Tinatayang mahigit P10-bilyong halaga ng agrikultura ang nasira ng magkakasunod na bagyo.
Kaugnay nito, iginiit ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng committee on agriculture, na dapat tulungan ng gobyerno na makabangon ang mga naapektuhang magsasaka.
Ayon kay Villar, tinatayang P2.9-bilyon ang pinsala sa agrikultura sa Bicol Region.
Malubha din nasalanta ng Bagyong Quinta, Rolly at Ulysses ang mga pananim, livestock fisheries at agricultural facility sa maraming mga lalawigan sa southern at northern Luzon.
Hanggang ngayon anya ay lubog pa rin sa baha ang 71,000 ektarya ng lupang sakahan.
Sabi ni Villar, base sa report ng Bureau of Customs, may sobrang P5-bilyong koleksiyon sa taripa.
Sa ilalim ng rice tariffication law, pwedeng ilaan ang sobrang koleksiyon sa taripa sa pondo ng Department of Agriculture para matulungan ang mga rice farmer. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)