Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na posibleng makasuhan ang mga magse-selfie sa loob ng polling precinct sa mismong araw ng halalan sa Mayo a-9.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang ahensya ang pagkuha ng litrato sa mga balota at resibo ng botante.
Hindi rin maaaring mag-selfie sa loob ng presinto dahil posibleng makasuhan at maaring makulong ang sinumang lalabag at posibleng makasuhan ng election offense at maaring makulong sa loob ng isa hanggang anim na taon.
Sinabi ni Garcia na hindi umano bawal ang pagdala ng cellphone pero hindi ito maaaring ilabas sa sandaling bumoboto na.
Maaari namang magdala ng listahang papel o kodigo na nakasulat ang mga pangalan ng kandidatong iboboto.