Tutugisin ng mga alagad ng batas ang mga lider ng CPP-NPA-NDF na magtatago.
Ito ang tugon ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa balitang magtatago muna ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon.
Ayon kay Año, nabigyan na sila ng pagkakataon para lumahok sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno.
Gayunpaman, dahil tinerminate na ang nasabing peace talks, sinabi ni Año na malinaw ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin muli ang mga lider ng CPP-NPA-NDF na pansamantala lamang nakalalaya dahil sa pinayagan silang maging bahagi ng naudlot na peace talks.
Pakingan: Bahagi ng Pahayag ni Gen. Eduardo Año
Samantala, sinabi ni Año na alternatibo pa rin ang localized peace talks dahil may ilang local commandos ang nakikipag-usap sa mga commander ng AFP.
Marami na aniyang miymbro ng NPA ang gustong kumalas na sa kilusan.
By: Avee Devierte / Cely Bueno