Posibleng gamitin ng mga magtitinapay ang coconut flour bilang alternatibo sa wheat flour.
Ito’y sa gitna ng nagbabadyang pagtaas sa presyo ng harina bunsod ng nagpapatuloy na girian ng Russia at Ukraine, ipinatutupad na export ban ng india at pagpasok ng panahon ng tag init sa amerika na mga bansang pangunahing pinagkukunan ng suplay ng bansa ng naturang produkto.
Maliban sa coconut flour, ikinokonsidera rin ng Department of Science and Technology Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) bilang pamalit sa wheat flour ang harinang gawa sa saging, kamoteng gabi, kamoteng kahoy at sweet potato.
Sinabi naman ni Assistant Secretary Claire Cabochan, makatutulong ang paggamit ng raw materials na nanggaling mismo sa pilipinas upang hindi tayo maging dependent sa importasyon.
Samantala, nakatakda namang ilunsad ang “Coco Pinoy Pandesal” sa Hunyo 28.