Handa ang ilang magulang na sampahan ng kaso ang French Pharmaceutical Giant na Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng kontrobersyal na Anti-Dengue vaccine na Dengvaxia.
Ito, anila, ay dahil peligrong maaaring idulot ng Dengvaxia makaraang aminin ng Sanofi na epektibo lamang ang naturang bakuna sa mga nagkaroon na ng Dengue.
Ayon sa Public Interest Laywer na si Atty. Ernesto Fransisco, dapat maghain ng class suit ang mga magulang laban sa nabanggit na kumpanya.
Sa oras anya na magsampa ng kaso, dapat magtatag ng trust fund ang Sanofi para sa gastos ng sinumang magkakasakit matapos turukan ng Dengvaxia.