Pinayuhan ng Philippine Pediatric Society (PDS) ang mga magulang na huwag magpaapekto sa Dengvaxia scare sa pagpapabakuna kontra COVID-19 sa kanilang mga anak.
Ayon ay Dr. Maria Carmella Casalla, tagapagsalita ng PDS, magkaiba ang pamamaraang ginamit sa paggawa ng bakuna laban sa dengue at sa COVID-19.
Mas kumplikado ang bakuna para sa dengue vaccine kumpara sa variants ng COVID-19.
Matatandaang noong nagkaroon ng dengvaxia scare sa bansa, marami ang natakot dahil natuklasang nagpapalala lamang ng sakit ang bakuna ng dengvaxia.
Muli namang hinikayat ni Dr. Casalla ang mga magulang na pabakunahan kontra covid-19 ang kanilang mga anak.
Hindi ito sapilitan pero nirerekomenda ng mga pediatrician para maproteksyunan ang mga bata. —sa panulat ni Abby Malanday