Hinimok ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang magulang na kumpiskahin ang mga paputok na binibili ng kanilang mga menor de edad na anak.
Ito’y sa gitna ng preparasyon para sa pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay Duque, hindi dapat isugal ng mga magulang ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak dahil lamang sa kanilang kapabayaan.
Dapat aniyang silipin ng ang mga kuwarto at cabinet kung may mga nakatagong paputok at kumpiskahin ito agad.
Nanawagan naman ang kalihim sa publiko na iwasan na ang pagpapaputok sa pagsalubong sa bagong taon upang maiwasan ang disgrasya gaya ng pagkaputol ng mga daliri.