Kinasuhan na ng Manila Police District-Moriones Tondo Police Station ang mga magulang ng tatlong menor de edad na nahuling lumabag sa curfew.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, kasong paglabag sa City Ordinance No. 8243 o Anti-Child Endangerment Act ang isinampa laban sa mga hindi pinangalanang magulang.
Ang tatlong bata na na-rescue ay may edad siete, 10at 13 kung saan agad silang ibinigay sa pangangalaga ng Manila Department of Social Welfare (DSWD).
Giit ni Moreno, dapat makasuhan at makulong ang mga magulang na pinababayaang gumala ang kanilang mga anak sa oras ng curfew.