Muling nanawagan ng hustisya sa Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ng mga batang namatay matapos umanong maturukan ng Dengvaxia.
Ayon sa “Samahan ng mga Magulang Anak ay Biktima ng Dengvaxia”, dapat mag-inhibit sa kaso ang panel of state prosecutors at si Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres.
Si Andres ay dating abogado ni ex-Health Secretary at ngayo’y Iloilo Congresswoman Janette Garin na isa sa mga respondents sa Dengvaxia cases.
Naniniwala naman ang grupo na si Justice Sec. Boying Remulla ay isang makatarungang tao kaya ito itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang DOJ Chief.
Kumpiyansa rin ang mga magulang ng mga nasawing bata sa katapatan ni Remulla sa hustisya kaya’t naniniwala silang diringgin nito ang kanilang panawagan.