Nagkilos – protesta ang mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia sa harap ng tanggapan ng Department of Justice sa Lungsod ng Maynila.
Ito’y upang ipanawagan na alisin sa puwesto si Undersecretary Jesse Andres.
Ayon sa mga demonstrador, si Andres ay tagasunod ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo 1st District Rep. Janet Garin na siyang nakaupo noon sa DOH nang maganap ang kontrobersya sa Dengvaxia.
Inihirit din ng grupo kay Justice secretary Jesus Crispin Remulla na bigyan sila ng patas na pagdinig sa inihaing reklamo laban sa mga dating opisyal ng gobyerno.
Una nang iginiit sa Korte ni Public Attorney’s Office chief Percida Acosta na ilipat ang prosekusyon ng dengvaxia cases sa kanila.
Ito’y dahil mayroon umanong Conflict of Interest ang National Prosecution Service lalo’t dating abogado ni Garin si Andres.
Ang Kongresista ay co-accused sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na isinampa sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 133, kaugnay ng kontrobersya sa Dengvaxia vaccines.