Isinailalim na ng Department of Justice sa Witness Protection Program ang mga magulang ng 14 anyos na si Reynaldo “Kulot” de Guzman.
Personal na nakipagkita ang mga magulang ni Kulot na sina Eduardo Gabriel at Lina Gabriel kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre kahapon upang magpasaklolo sa gobyerno.
Ayon kay Aguirre, agad niyang ipinag-utos kay Justice Undersecretary Raymundo Mecate na i-proseso ang aplikasyon ng mag-asawa.
Kasama na nina Gabriel sa W.P.P. ang mga magulang nina Carl Angelo Arnaiz at Kian Lloyd Delos Stantos.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE