Wala umanong duda na ang layunin sa pagpatay kay Reynaldo de Guzman ay patahimikin at hindi ito makapagsalita sa kaso ni Carl Angelo Arnaiz.
Ito ang nakasaad sa affidavit na isinumite nina Eduardo at Lina Gabiriel sa Department of Justice kung saan inihain nila ang kasong murder at paglabag sa anti-torture law laban kina Police Officers 1 Jeffrey Perez, Ricky Arquilita at iba pang miyembro ng Caloocan City Police Community Precinct 2.
Kumbinsido sina Eduardo at Lina na ang sadyang pagpatay sa kanilang anak na si Reynaldo ay may kinalaman sa pagpatay naman kay Arnaiz.
Ang pagkakarekober din anya sa bangkay ni Kulot sa Gapan, Nueva Ecija ay malinaw na paraan upang iligaw ang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang magkaibigang biktima.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE