Muling humarap sa preliminary investigation kaugnay sa pagkamatay sa hazing ng U.S.T. law student na si Horacio “atio” Castillo the Third ang kanyang magulang at mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.
Sa re-investigation na isinagawa ng Department of Justice kahapon ay personal na pinanumpaan ng Aegis Juris Member na si Mark Anthony Ventura na tumatayong testigo sa kaso ang kanyang affidavit sa harap ng panel of prosecutors.
Nakasaad sa sinumpaang-salaysay ang pananakit at hirap na dinanas ni Atio sa kamay ng Aegis Juris bilang bahagi ng kanyang initiation rites sa pagsali sa fraternity noong Setyembre a-disi syete.
Humarap din sa hearing ang pangunahing suspek na si John Paul Solano kasama ang kanyang abogado na si Atty. Paterno Esmaquel.
Binigyan naman ng panel of prosecutors sa pangunguna ni Assistant State Prosecutor Susan Villanueva ang kampo ng mga respondent ng sampung araw para makapagsumite ng komento sa salaysay ni Ventura.
Magugunitang idineklara ng D.O.J. Panel of Prosecutor na submitted for resolution na ang kaso noong isang taon pero muling nagsagawa ng preliminary investigation nang lumutang si Ventura kaya’t binigyang-daan ang salaysay ng testigo.