Agad isinailalim sa provisional coverage ng Witness Protection Program ang mga magulang ng teenager na si Carl Angelo Arnaiz na napatay din ng mga Pulis-Caloocan matapos rumesponde sa kinasangkutan umanong panghoholdap noong August 18.
Alinsunod ito sa apela ng Public Attorney’s Office sa Department of Justice na mabigyan ng proteksyon ang mga magulang ni Carl.
Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, sina Carlito at Eva Arnaiz ay inilagay sa provisional coverage ng WPP kasunod ng utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Nilinaw naman ni Balmes na para mapasailalim sa permanent coverage ng programa, kailgan pa nilang magsumite ng affidavit at lumagda sa isang memorandum of agreement sa D.O.J.
Una nang iniharap ng PAO kay Aguirre ang mag asawang Arnaiz kabilang na ang mag-inang sina alyas Anna kung saan hiniling ng mga ito na bigyan sila ng proteksyon ng D.O.J. dahil sa umano’y banta sa kanilang seguridad.
By: Drew Nacino / Bert Mozo
SMW: RPE