Inimbitahan ng Senado ang mga magulang ni UST Freshman Law Student Horacio Castillo III para makaharap at marinig ang gagawing pag dinig ng Senado sa nangyari umanong hazing sa Aegis Juris Fraternity.
Sa panayam kay Senador Panfilo Lacson sa programang Usapang Senado with Cely-Ortega Bueno, sinabi ni Lacson na kanilang binigyan ng imbestasyon ang mga magulang ni Castillo upang masaksihan ang gagawing Senate hearing sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity sa darating na Lunes.
Ayon pa kay Lacson, inimbitahan din nila ang iba’t ibang personalidad lalo na ang mga opisyales at miyembro ng nasabing fraternity, layon din umano ng nasabing pag dinig na mabigyan ng linaw ang nangyari kay Castillo sa kamay ng mga tinututing nitong mga kapatid sa kapatiran.
Dagdag pa ni Lacson na nagpapahayag din ang kanyang mga kasamahan sa Senado na marepaso ang anti-hazing law upang mas mabigyan ito ng pangil hinggil sa pagpapataw ng kaparusahan sa mapapatunayang masasangkot sa ano mang hazing sa mga fraternities.
SMW: RPE