Wala umanong galit o sama ng loob sa Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magulang ni Kian Lloyd Delos Santos.
Ipinabatid ito nina Zaldy at Lorenza Delos Santos matapos makipagkita sa Pangulo sa loob ng PSG Compound sa Malakaniyang.
Ang mag asawang Delos Santos na sinamahan nina PAO Chief Percida Acosta at VACC Chair Dante Jimenez ay dalawang oras na nakipag usap sa Pangulo.
Kasama rin sa pulong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nagsabing humiling ng seguridad sa Pangulo ang pamilya Delos Santos na nangangamba sa kanilang buhay lalo pat mga pulis ang kinasuhan nila ng murder dahil sa pagkamatay ng anak na si Kian.
Humingi rin ng tulong pinansyal ang pamilya Delos Santos para magkaruon ng kaunting pagkakakitaan matapos ipaabot ng ina ni Kian ang planong huwag nang bumalik sa ibang bansa.
Ipinabatid pa ni Aguirre ang posibilidad na mabigyan ng pabahay ang pamilya Delos Santos.
Ipinaliwanag naman aniya ng Pangulo sa mag asawang Delos Santos kung bakit hindi nakadalaw sa burol ni Kian dahil bilang Commander in Chief ng mga pulis na akusado sa krimen hinihintay muna nito ang resulta ng imbestigasyon ng NBI sa usapin.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
SMW: RPE
Photo Credit: Special Assistant to the President Bong Go