Umapela ang magulang ni Kian Loyd Delos Santos na ibigay na sa PAO o Public Attorney’s Office ang kustodiya ng limang magkakapatid na Concepcion, na siyang testigo sa pagpatay sa kanilang anak na hawak ngayon ni Caloocan Bishop Pablo David.
Naniniwala ang mag – asawang Lorenza at Saldy Delos Santos na makatutulong ito upang mapabilis ang pag – usad ng kaso ng pagpatay kay Kian.
Tiniyak naman ng PAO na malakas pa rin ang kanilang kaso laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa kanilang anak kahit na hindi makipagtulungan ang magkakapatid na Concepcion.