Itinanggi ng mga magulang ng 14 anyos na si Reynaldo de Guzman alyas Kulot na ampon ito dahilan upang hindi magtugma ang kanilang D.N.A. sample.
Ayon kay Lina Gabriel, nagkamali ang komadrona ng pagsulat sa birth certificate kaya’t De Guzman na apelyido sa pagkadalaga ang gamit ni Kulot.
Hindi na anya nila nabago pa ang birth certificate dahil sa kakulangan ng pera.
Gayunman, lumabas sa D.N.A. test ng PNP na 99.9 percent na hindi nagtugma ang samples na kinuha mula sa bangkay na narekober sa Gapan City, Nueva Ecija mga magulang ni Kulot.
Dahil dito, iginiit ng ama ni Kulot na si Eduardo Gabriel na magsagawa muli ng DNA examination.
SMW: RPE