Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay upang maging ganap na batas ang mga mahahalagang panukalang batas na pinagtibay ng kongreso.
Kabilang sa mga enrolled bill na nakarating na sa tanggapan ng Pangulo ay ang libreng edukasyon sa SUC’s o State Universities and Colleges, libreng WIFI sa mga pampublikong lugar, at pagpapalawig sa expiration ng pasaporte at driver’s license.
Bukod dito, kasama rin sa mga naghihintay ng lagda ng Pangulo ay ang enrolled bill para sa mas mabigat na parusa laban sa mga ospital na tumatangging tumanggap ng pasyente na walang pang-deposito.
Nakasaad sa paragraph 1 ng Section 27, Article 6 ng saligang batas, ang mga panukalang batas, sakaling hindi i-veto at hindi malagdaan ng Pangulo ay maging ganap na batas makalipas ang 30 araw buhat ng matanggap ng Office of the President.
- Meann Tanbio | Story from Aileen Taliping