Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Maranao leaders, mga pulitiko , mga sultan at datu kung bakit nagkaroon ng giyera sa Marawi City.
Sinabi ng Pangulo na hinayaan ng mga ito na malayang makapasok ang mga terorista at mga armas nila sa lungsod at walang ginawa para ireport ito sa mga otoridad.
Mayroon aniyang kampo ng militar sa Marawi City para ipabatid ang plano ng mga terorista pero hindi ginawa ng mga ito.
Sa tantiya ng Pangulo, inabot ng tatlong taon ang ginawang pag-iimbak ng armas ang mga terorista sa Marawi City bago inilunsad ang paghahasik ng karahasan.
Nagtataka ang publiko dahil halos isang buwan na simuila sumiklab ang karahasan sa Marawi City subalit hindi nauubusan ng bala ang mga terorista sa kanilang pakikipagbakbakan sa puwersa ng militar.
By: Aileen Taliping