Dalawang mahalagang usapin ang dapat agarang tutukan at isulong ni Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian dapat unang asikasuhin ni Mama-o ay tiyaking matutuloy at magiging done deal na ang memorandum of agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Mahalaga aniya ang nasabing kasunduan na siyang magtatakda ng kumprehensibong karpatan at mahusay na protection mechanisms para sa mga Overseas Filipino Worker o OFW sa Kuwait na siyang mabisang paraan para masiguro ang long term security para sa karapatan at kapakanan ng mga OFW.
Bukod dito sinabi ni Gatchalian na dapat ding matiyak ni Mama-o na mapapalaya at mapapauwi ang 7 Pinoy na ikinulong ng Kuwaiti authorities dahil sa pagtulong sa isinagawang kontrobersyal na rescue mission.
—-