Dapat isali ang mga mahihirap sa 51st International Eucharistic Congress o IEC na gaganapin sa lalawigan ng Cebu mula Enero 24 hanggang 31.
Ayon kay Fr. Carmelo Diola, Chairman ng Solidarity Communion Committee o SCC, ito’y upang ipakita na walang pinipili sa mga lalahok sa naturang event.
Giit ni Diola, mawawalan ng kabuluhan ang banal na misa kung walang partisipasyon ng mga mahihirap na miyembro ng lipunan.
Katunayan, sinabi pa ni Diola na 5,000 bata na kinabibilangan ng mga street children at kapus-palad ang sasalang sa kauna-unahan nilang komunyon sa Enero 30.
By Jelbert Perdez