Tiniyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hindi mapag-iiwanan ang mga mahihirap na estudyante ng Pasig City sakaling virtual classes ang ipatupad ng Department of Education (DepEd).
Sa kanyang tweet, sinabi ni Mayor Sotto na naghahanap na sya ng pondo para mabigyan ng kailangan nilang personal devices ang mga mahihirap na estudyante ng Pasig City.
We are working with the Dept of Education for any possibility for our students
a) Resumption of classes
b) Virtual classesIn case of B we are preparing better internet connections at the brgy level.
Whether A or B, we are identifying funds for personal devices for students. https://t.co/dSaRA07YYx
— Vico Sotto (@VicoSotto) May 25, 2020
Inihahanda na rin anya nila ang mas maayos na internet connection sa bawat barangay.
Una rito, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sya pabor na buksan ang klase hangga’t walang bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).