Posibleng tumaas pa sa 20-milyon ang bilang ng mahihirap na sambahayan sa bansa sa 2021, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Joyce Niwani, ito ay dahil sa dami ng nawalan ng trabaho bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa ngayon aniya, covered ng national household targeting system for poverty reduction na nasa ilalim ng DSWD ang 16-milyong mahihirap na pamilya.
Ito umano ang mga makatatanggap ng pinansyal na tulong sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.