Tila itinatapon lamang ang mga mahihirap na pamilya sa rural areas o mga lalawigan.
Ito ayon kay Dr. Michael Tan, professor sa UP College of Social Sciences and Philosophy ang konsepto ng balik probinsya program na hindi na aniya bago at paulit ulit lang.
Sinabi ni Tan na ang mas dapat tutukan ay problema sa urban housing, mataas na antas ng karukhaan at kakulangan ng maayos na health care system capacity sa bansa.
Hindi kumbinsido si Tan na mareresolba ng balik probinsya program ang mga susunod na outbreak na kahaharapin ng bansa.
Sinabi ng medical anthropologist na magiging problema lamang kapwa ang urban at rural areas kapag bumalik ang virus.