Malaking bahagi ng mga nadeliver na 3 milyong doses ng Moderna vaccine ang ilalaan ng gobyerno para sa mga indigent citizen.
Ito ang tiniyak ni National Task Force against COVID-19 Chief implementer, Secretary Carlito Galvez makaraang dumating ang mga naturang bakuna na donasyon ng U.S.
Tinatayang kalahating milyong bakuna anya ang ibibigay sa mga indigent partikular sa mga mahirap na komunidad alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod sa Metro Manila, idedeploy ang Moderna vaccines sa Cavite, Laguna, Pampanga, Batangas, Rizal, Bulacan, Metro Davao at Metro Cebu o tinatawag na NCR plus 8 bubble.
Ang mga nabanggit na lugar ay nakararanas ng pagtaas ng COVID-19 cases. —sa panulat ni Drew Nacino