Nagpatupad ng balasahan si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kaniyang mga kapwa mahistrado na miyembro ng iba’t ibang dibisyon.
Ito’y ayon kay Sereno ay kasunod ng pagpasok ng mga bagong mahistrado ng High Tribunal bilang kapalit ng mga nagretiro nilang kasamahan.
Inilagay sa first division sina Associate Justices Teresita Leonardo – De Castro, Mariano Del Castillo, Francis Jardeleza at Noel Tijam.
Sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas – Bernabe, Alfredo Benjamin Caguioa at Andres Reyes naman ang bubuo sa ikalawang dibisyon.
Habang sa ikatlong dibisyon naman napunta sina Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Lucas Bersamin, Marvic Leonen, Samuel Martires at Alex Gesmundo.
Sa kasalukuyan, apat na mahistrado na ng Korte Suprema ang naitatalaga sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, mahigit isang taon mula nang maupo ito sa puwesto.