Pinaghihinay-hinay ni Kabayan Party List Representative Harry Roque ang mga mahistrado sa posibilidad na pag-disbar kay House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa extra marital affairs nito.
Ang pag entertain ng Supreme Court sa disbarment case, ayon kay Roque ay maaaring mag resulta sa banggaan ng dalawang co-equal branch; ang lehislatura at hudikatura.
Sinabi pa ni Roque ay posibleng humantong din sa impeachment ng mga mahistrado ng high tribunal kapag matuloy ang pagpapa disbar kay Alvarez.
By Judith Larino