Binalaan ni Senator Antonio Trillanes the Fourth ang mga mahistrado sa Korte Suprema na maituturing na unconstitutional ang anumang tangkang pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno maliban sa proseso ng impeachment.
Inihayag ito ng Senador kasunod ng mga ulat na may mga mahistrado anya sa pamumuno ni Associate Justice Marvic Leonen ang nagbabalak tanggalin si Sereno sa prosesong labag sa konstitusyon.
Paalala ni Trillanes sa mga mahistrado, maaari silang maimpeach sa mga susunod na administrasyon oras na may gawin sila ngayong hindi naaayon sa saligang batas.
Sa mga magreretiro namang mahistrado, maaari anya silang sampahan ng kasong graft.
Noong nakaraang linggo, pinwersa ng Supreme Court En Banc si Sereno na mag indefinite leave.
RPE