Hiniling ng kampo ni Chief Justice On Leave Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema na mag-inhibit sa pagpapasya kaugnay ng inihaing quo warranto petition laban sa kaniya si Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro.
Ito’y batay sa inihaing mosyon ng kampo ni Sereno ay dahil sa tila hinatulan na umani ni De Castro ang Punong Mahistrado nang sumalang ito sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa impeachment complaint laban dito.
Magugunitang inihayag noon ni De Castro sa harap ng mga mambabatas na hindi kuwalipikado si Sereno sa kaniyang posisyon dahil sa aniya’y kabiguan nitong isumite ang mga kinakailangang Statement of Assets, Liabilities and Net worth sa Judicial and Bar Council.
Una nang hiniling ng kampo ni Sereno sa En Banc ang pag-iinhibit ng iba pang mga mahistrado na humarap sa pagdinig ng Kamara tulad nila Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza at Noel Tijam.
Pero nanindigan ang mga nabanggit na mahistrado na hindi sila mag-iinhibit sa pagdinig dahil sa wala anilang matibay at sapat na dahilan para gawin ang naturang hakbang.
—-