Makikipag-ugnayan ang pulisya sa mga lokal na pamahalaan ukol sa paghahanda ng mga holding areas para sa mga lumalabag sa minimum health standards tulad ng mali o hindi pagsusuot ng face mask.
Paliwanag naman ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar, ang mga mahuhuling pasaway ay maaaring pansamantalang ilagay muna sa police custody.
Gayunman, nilinaw ni Eleazar na ang magiging penalty o parusa laban sa mga violators ay ibabase pa rin sa umiiral na ordinansa ng bawat pamahalaang lokal.
Samantala, nanawagan naman sa mga pulis si Eleazar na huwag parusahan o saktan ang mga nahuhuli nilang pasaway dahil mananagot sa kanya ang mga ito.