Walang ayudang matatanggap ang mga residenteng mahuhuling lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatupad upang mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay gaya na lamang ng pagsa-sabong at paglalatag ng inuman sa gitna ng umiiral na Luzon-wide community quarantine.
Kasunod nito ay inatasan din ng Pangulong Duterte ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang mga nangyayaring paglabag sa ECQ.
Iginiit din ng pangulo na sa mga tunay na nangangailangan lamang nararapat makarating ang tulong na nagmumula sa gobyerno.
Kulang na kulang pala, ibigay ko na lang sa nangangailangan at wala na mapuntahan,” ani Duterte.
Magugunitang ilang mga residente sa Santa Rosa, Laguna ang nahuling lumalabag sa curfew at liquor ban habang huli rin sa pag-sugal at inuman ang ilang residente naman ng Biñan.