Ikinakasa ng isang sports recreational start-up company ang mga makabagong idea para maisulong ang higit pang pag level up ng sports industry ng bansa.
Katuwang ang SM Supermalls, nais ipromote ng Optimal Athletics Incorporated ang sports, recreational at social activities gayundin ang konstruksyon at pagtatayo ng Recreational Sports Facilities.
Ang proyekto ay brainchild nina Optimal Athletics CEO and President Kevin James Olayvar at Chairman Raf Gastador na kapwa nagsusulong na makilala ang kumpanya bilang influential at significant group na magbibigay ng kakaibang experience sa sports industry at makatulong na itulak ang development pa ng sports sa pamamagitan ng next level ideas.
Binigyang diin ng Optimal Athletics Incorporated Officers na determinado silang magkasa ng mga oportunidad at makatulong sa pag aayos ng sports sa bansa sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa ibat ibang partners na kapareho ng kanilang vision sa pagbuo ng bagong direksyon ng palakasan sa bansa sa mga susunod na taon.
Tinukoy ng OAI ang kauna unahang major project nilang football pitch sa SM Cherry Turf sa Mandaluyong City, na suportado ng kanilang venue partner na sm malls kung saan gagawa sila ng malaking football scene sa pilipinas sa pamamagitan ng first rooftop football pitch gamit ang fifa preferred peoducer na limonta artificial turf at ipakilala ang anito’y game changing mall experience sa pakikipag partner sa SM Malls – Cherry Turf Philippines.
Mayruon anila silang itinayong grupo mula sa iba’t ibang events na kanilang hinost kaya’t plano nilang bumuo ng serye na magsisilbing staple event ng Cherry Turf kasama ang paghimok na makiisa rito ang mga komunidad, pagsusulong ng interest at pagkakaruon ng mga bagong grupo sa loob mismo ng komunidad para ma experience ang football.
Ipinabatid pa ng OAI ang plano anilang gumawa ng iba’t ibang level para sa lahat upang ma enjoy ng mga bata hanggang sa working adults at hindi ipagkakait ang lahat ng uri at level ng experience bilang beginner, intermediate at professional.
Pursigido ang OAI na idevelop ang buong rooftop at hindi lamang mag focus sa pitch, mag offer ng kakaibang environment para sa football at non-football enthusiasts o sa mas madaling salita ay lugar kung saan ang lahat ay maaaring mag sit back, mag relax, eat and drink habang nanunuod ng mga naglalaro ng football.
Nakikita ng OAI na ang nasabing proyekto ay isang innovation sa sports scene sa bansa hindi lamang sa football kundi sa iba pang uri ng palakasan kayat nais nitong magbukas ng oportunidad na pu puwedeng ma diskubre at ma explore.
Para sa OAI, there’s more to sports kaya nga bahagi rin ng kanilang plano na itaas ang level ng plain ports experience at magpakilala ng mga bago at kakaibang paraan upang ma enjoy ang mga uri ng sports.