Nilinaw ni Dr. Maricar limpin, President ng Philippine College of Physicians na ang monkeypox virus ay nagmula sa sakit ng hayop na naipasa sa isang tao dahilan kaya nagkaroon ng human to human transmission.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni Limpin na ang panibagong virus ay kamag-anak ng smallpox at chicken pox pero hindi ito mabilis makahawa kung ikukumpara sa COVID-19.
Ayon kay Limpin, malaki ang tiyansa na mahawa ang isang indibidwal na makakalanghap ng particles mula sa isang indibidwal na positibo sa monkeypox.
Sinabi ni Limpin na ang bakuna sa COVID-19, ay iba pa sa bakuna laban sa smallpox, chicken pox at iba pang virus.
Dagdag pa ni Limpin na kailangan pa rin ng publiko ng dobleng pag-iingat laban sa ibat-ibang uri ng sakit na kumakalat ngayon sa Pilipinas at sa iba pang bansa.