Nakiisa sa Thanksgiving Party ni incoming President Rodrigo Duterte sa Cebu City ang mga miyembro ng makakaliwang grupo
Napansin mismo ni Duterte ang ilang miyembro ng maka kaliwang grupo sa nasabing event at ito aniya ay binigyan naman niya ng atensyon kasabay ang pagtiyak na kumikilos na ang gobyerno para mapag isa ang grupo sa pamahalaan
Binigyang diin muli ni Duterte na hindi makakamit ang inaasam na pagbabago sa gobyerno kung patuloy na makikipag talo sa komunistang grupo
Mawawalan rin aniya ng silbi ang kaniyang pag upo kung ibibili lamang niya ng mga armas at bomba ang pondo ng pamahalaan para ipasabog sa mga kapatid na moro sa mindanao
By: Judith Larino