Mananatili sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga makakaliwang kalihim.
Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, wala namang dahilan para sibakin ang tatlong makakaliwang opisyal sa kabila ng pagkainis ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kilusang Komunista.
Patuloy na nagtitiwala si Pangulong Duterte kina Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, DSWD o Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo at National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Masa.
Sinabi pa ni Guevarra na kuntento rin si Pangulong Duterte sa trabaho ng naturang mga kalihim kayat dapat lang aniya na manatili ang mga ito sa puwesto.
By Ralph Obina | ulat ni Aileen Taliping (Patrol 23)