Naglabas na ng memorandum ang Department of Health (DOH) para sa mga dapat gawin sakaling makapasok ang monkeypox virus sa Pilipinas.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, Presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi), na nakapaloob sa nasabing guidelines ang mga sintomas ng nasabing sakit.
Ayon kay De Grano, sakaling makaranas ng lagnat at rashes ang isang indibidwal ay dalhin na agad ito sa ospital upang mabigyan ng treatment o lunas.