Pinasisiguro ng Malakanyang sa mga supporters ng mga tumatakbo sa 2022 elections na sila ay fully vaccinated na kontra COVID-19.
Ito’y sa harap ng kaliwa’t kanang pag-iikot ng mga kandidato na patuloy na pumupukaw sa atensiyon ng mga supporter na makihalubilo sa nasabing caravan.
Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, dapat nakatanggap na ng unang bakuna o nakakumpleto na ang mga nakikilahok sa gayung uri ng pangyayari.
Dagdag ni Nograles, kailangan siguraduhin ng mga nakikilahok sa ganitong klaseng pagtitipon na sila ay protektado at bakunado para hindi na kumalat pa ang virus.
Hinihiling din ni Nograles ang kooperasyon ng mga kinauukulan na obserbahan kung nasusunod ba ang mga ipinatutupad na health protocols sa nasabing political events.