Hahabulin din ng pamahalaan at pananagutin sa batas ang sinumang mapatutunayang tumutulong at nakikipagsabwatan sa CPP-NPA o Communist Party of the Philippines – New People’s Army.
Ito ang nakasaad sa 55 pahinang proscription petition na inihain ng Department of Justice sa Manila Regional Trial Court para hilingin na ideklarang terorista ang komunistang grupo.
Maliban diyan, maaaring silipin din o di kaya’y ipa – freeze ng pamahalaan ang lahat ng mga accounts sa bangko at iba pang mga pinagkukuhanan ng kabuhayan ng mga rebelde.
Ayon pa sa DOJ, pinagbatayan din nila ng kanilang petisyon ang pag-amin ni CPP Founder Jose Maria Sison sa mga librong isinulat nito kung paanong nabuo ang kanilang organisasyon bukod pa sa 12 pag-atake na ginawa ng NPA nuong nakalipas na taon.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio