May nakikita pang isang paraan ang Commission on Elections (COMELEC) para matugunan ang kakulangan ng mga gagamiting makina sa darating na halalan sa susunod na taon.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni COMELEC Chairman Andres Bautista kasunod ng pagdideklara ng failure of bidding ng Special Bids and Awards Committee para sa refurbishment ng mga Precint Count Optical Scan o PCOS machines.
Ayon kay Baustista, kung mauubusan na ng panahon tulad ng iginigiit ng mga kumpaniyang Smartmatic at Miru Systems Incorporated, wala silang magagawa kundi umupa ng mga bagong makina.
Posible aniyang maglabas ng pinal na desisyon ang COMELEC sa ikalawang linggo ng buwang kasalukuyan hinggil sa kung ano ang gagamiting makina sa eleksyon.
By Jaymark Dagala | Todong Nationwide Talakayan