Kung si Comelec chairman George Garcia ang tatanungin, mas gusto na niyang pag-retiruhin ang mga Vote Counting Machine (VCM) na ginagamit sa eleksyon.
Ipinunto ni Garcia na bagaman may ilang pumalpak na makina, sapat na marahil ang tatlong nagdaang halalan upang bumili o magrenta ng panibagong mga VCM.
Maaari pa rin naman anyang gamitin sa ibang aktibidad ang mga i-re-retire na makina.
Samantala, bukas naman ang Poll Body Chief sakaling may mga Pilipinong imbentor na lilikha ng sariling bersyon ng maaasahan at mas murang VCM.