Inihayag ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na magbibigay sila ng extension sa mga malalaking barangay gaya sa Quezon City na hindi pa tapos mamahagi ng ayuda dahil sa nagdaang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus.
Ito ang inihayag ni Diño sa panayam ng DWIZ, ito aniya ay dahil sa kakapusan ng itinakdang araw ng pamahahagi sa loob ng 15 araw.
Nauna rito, hinimok ng pamunuan ng interior department ang iba’t-ibang local government unit (LGU) sa NCR plus na ipamahagi ang ayuda sa loob ng 15 araw at kung hindi ito kakayanin ng mga malalaking lungsod ay nakahanda naman silang palawigin ito.
Bukod pa rito, inihayag din ni Diño sa DWIZ ang ilan pang mga isyu sa pamamahagi ng ayuda ang kanila nang binigyang solusyon gaya ng kulang na mga natanggap na ayuda, hindi nakalista sa benepisyaryo at iba pa.
Sa huli, paalala ni Diño na sa mga ganitong pagkakataon ay maaaring lumapit sa mga grievance committe sa kada pay-out center kung saan doon pwede magreklamo patungkol sa pamimigay ng ayuda.