Ipinagbabawal na ng British government ang mga laptop at tablets sa cabin ng mga eroplanong patungong United Kingdom mula sa anim na bansa sa Middle East at Africa.
Ayon sa gobyerno ng Britanya, hindi naging madali ang kanilang desisyon pero ito ay bilang pag-iingat na rin kaugnay sa intelligence report na may papasabuging eroplano ang isang Jihadist group mula Middle East.
Dahil dito, kailangang ilagak sa check in baggage ang mga malalaking gadgets na higit pa ang sukat sa 16 centimeters by 9.3 centimeters.
Ang mga bansa na apektado ng ban ay ang Turkey, Lebanon, Jordan, Egypt, Tunisia at Saudi Arabia.
Una nang nagpatupad ang Amerika ng ban sa malalaking electronic devices sa mga eroplanong mula naman sa 9 na bansa sa Middle East at Africa sa kaparehong kadahilanan.
By Krista de Dios